Pakiramdam ko lang naman na-scam* ako.
Isang umaga, sinamahan ko si Judith at Anna (mga bebegels* ko sa opisina) sa Mercury Drug sa Paramount. Bumili kasi si J ng Antihistamine gawa ng allergies niya. Kami naman ni A ay bumili ng makakain. Dumampot ako ng Mocha Milk brand Anchor, isa ito sa mga paborito kong inumin. Oo, gatas yon, hindi alkohol. Magbabayad na sana ako ng napasulyap ako sa lalagyan ng mga plasters, bandages at kung anu-anong anik-anik na ginagamit sa paglilinis ng sugat. Nakita ko ito:
MediPlast Corn Plaster
Oo, plaster para sa kalyo o paltos. Na-amuse ako. “Aba, may tinda palang ganito.”, sabi ko sa sarili ko. Anim na piraso, maliit na lalagyan. Hindi kumportable ang suot kong sapatos noong araw na yon. “Masubukan nga.” Sunud-sunod ang buga niyan sa utak ko at ang pinaka-huli ay ang assumption ko na nasa-bente o trenta ang halaga nun.
Pumila ako sa counter na may ngiti sa mga labi. Excited nga e. Kaw ba naman ang excited. Kaw ba naman ang gagamit ng kakaibang plaster. Tapos meron pa ako ng labidabs kong Mocha Milk. Meron akong limampung piso. Inaabot ko na sa cashier girl nang bigla niyang sabihin na “97 po.” May karugtong pa yan sa utak ko, “97 po. Kulang pera mo, watdapak.” Buti kasunod ko lang si A, back-up kasi kulang ang dinala kong pera, kundi kahiya-hiya. My gosh. Napilitan akong bayaran ang bagay na iyon na lagpas kalahati sa expected kong halaga. Kaysa isaalang-alang ko ang aking kahihiyan at pagmumuka. Nyahaha pride, Pare.
Kung tatanungin niyo naman ako kung epektib ba, e di ko masagot ang tanong na yan. Isang plaster palang ang nagagamit ko kasi nanghihinayang ako. Bale trese ang isang piraso ng isang maliit na plaster na may tila foam at utong sa gitna (imaginin niyo nalang, bumili kayo kung gusto niyong makita haha). Kapag ginamit mo, namumuti ang parte na nasayaran nung “utong” part. Yun kasi yung bahagi na may gamot (Salicylic Acid). Napakatindi rin ng residue na iniiwan ng plaster. Marumi tignan.
Oh well, at least meron naman akong Mocha Milk. Pampalubag loob.
* Ang pagkakagamit ng salitang “scam” sa post na ito ay hindi literal na scam na kagagawan ng ibang tao kundi gawa ng pansariling katangahan.
* Bebegels – Baby + Girlfriends