Archive for the ‘Walang Kwenta’ Category

Hello. Hello. Hello.

Sunday, September 20th, 2009

Eto, “Hello hello” ng Radioactive Sago Project.

Hello, Kaibigan. At sinong nagbalik sa intarneks? *lingon sa likod, pati na rin sa kaliwa’t kanan* Ako ba? Oo ako yata. Sarap ng feeling. Eto nga pala ang bago kong alagang domain (sana nga maalagaan ko na, bigla nalang kasi ako naglalaho e LOL) Regalo ko sa sarili ko ‘to dahil tapos na ako sa maraming bagay. Kabilang sa mga bagay na ito ay ang sumusunod:

  • Tapos na ako sa pagiging istudyante. Yay, graduate!
  • Tapos na ako sa Thesis.
  • Tapos na ako sa pagbili ng filers na hindi ko naman sinusulatan.
  • Tapos na ako sa pagpasok sa iskwelahan at mamamam (maglalasing) kapag kwan.
  • Tapos na ako sa paglalahad ng kamay sa magulang, para sa “alam mo na”. (How sad skubidap, huhu)
  • Tapos na ako sa 4 times 4 + 3 na araw sa isang buwan multiply by 10 yata yun square root of 2 na *content deleted*.
  • Tapos na ako sa isang daang libo at isa kabang test papers na pinapacheck-an ng prof kong paborito akong utusan. Oye!
  • Tapos na ako sa pagfufoodtrip, pagtambay-tambay sa kwan at pagmomovie marathon kapag walang magawa. (Wala na kasing pera eh!)
  • Tapos na ako sa pagtambay sa office ng Student Council. (Bye bye staff Gean)

Marami pa yata pero maglulubay na ko. Sabi nila, pag may katapusan, may bagong panimula. Eto naman ang mga Hello sa buhay ko ngaun:

  • Hello pro-crammer programmer Gean. Yes! Sa biyaya ng Diyos, natupad na ang isa sa mga pangarap ko. Hello na rin sa mga bagong kaibigan at kasamahan sa trabaho.
  • Hello sa Foxpro 9, Visual Basic 6, Coldfusion at PHP. Kayo na ang mga bago kong bespren.
  • Hello chirrific.com Yay! Bagong domain, bagong pag-iingay.
  • Hello tax. Eto walang kaso kung nakikita ko sana sa Pilipinas na may pinatutunguhan ang pinagpapaguran ko. Hay pagbabago.
  • Hello sa mga kunduktor at drayber ng bus na ES at Baliwag Transit. Sorry pero araw-araw niyo na makikita pagmumuka ko eh. Hello na rin sa nagtitinda ng mani at mineral water, pati na rin pala si DVD boy sa Trinoma terminal na laging nagsasabing “DVD po Mam Sir DVD”.
  • Hello sa bago kong sidekick sa biyahe, sa aking iTouch na ang pansamantalang pangalan ay Yow (papalitan ko soon).
  • Hello sa mga happy pips online!

Ano pa ba? Marami pa rin yan. Pero may mga bagay na hindi nagbabago. Yun ata ay ang height ko. Asa pa ba akong mabago yun? Ok lang, dapat akong makuntento. Yung iba nga walang makain e, e ako height lang naman problema ko. Dapat ko yung tanggapin, kabilang na rin lahat ng natapos at matatapos pa sa buhay ko ganun rin ang nagsimula at magsisimula pa lang.

Dahil sa tayo ay mga hapitutis (happy people), apirmudyan sa kaliwa pati sa kanang kamay sabay segway papunta sa malaki mong mukha. Peace Pare, happy nga e.