Archive for the ‘Reklamo’ Category

Boarding House

Saturday, November 14th, 2009

Salungat sa mga nauna kong blog posts na nagsasabing umuuwi ako sa Bulacan anim na beses isang linggo, tuwing Sabado nalang ako umuuwi sa bahay gawa ng pangungupahan namin ng kapatid ko sa isang boarding house sa Philam Homes.

Boarding house. Para sa mga babae.

Pagiging responsable. Paglilinis, pagluluto ng kakainin sa araw, at higit sa lahat, nandyan na rin ang pakikisama.

Isa sa mga napansin ko sa bahay na tinutuluyan ko ay ang mga nakapaskil CR na:

  • “Do not leave the toilet floor wet.”
  • “Pakisarado ang tubig pag nagsasabon, please lang. Thank you.”
  • “Clean our bathroom. Maintain cleanliness.” – Kaakibat ang cleaners of the month.

Pabor ako sa mga batas na yan. Lalong lalo na sa una, dahil sanay ako sa bahay namin sa Bulacan na tuyo lagi ang lapag ng toilet. Pero may isa kaming kasambahay na nakakainis namang tunay. Kung ikaw ay tulad ko na sumusunod sa mga patakaran, aba! Etong isang ‘to na pagkakapal-kapal ng mukha e binaha ang CR kagabi. Lubog na lubog ang mga basahan at tila nasira niya yung flush. Hanggang kanina basa pa rin yung sahig, hindi natuyo overnight. Naknangteteng na yan. Nakakabwisit. Kababaeng tao ang baboy.

Eto pa matindi. Ang mga sumusunod ang nakapaskil naman sa kusina:

  • “Panatilihing malinis ang ating kitchen.”
  • “Cans and bottles only” – Basurahan para sa obyus.
  • “Huwag mag-iwan ng hugasin sa sink.”
  • “Bawal maglaba o magtoothbrush dito sa sink. For kitchen use only”

Iisang babae na nagpalawa ng tubig sa CR. Araw-araw nagsisipilyo sa kitchen sink. Lintek pala. Di ata marunong magbasa. Nakakawalang gana tuloy mag-urong dun. Marami pa siyang kababuyan, ayoko lang ikwento dahil medyo girl-talk na.

Naisip ko lang, may mga tao ba talagang di marunong umintindi? Hindi naman siguro siya nananadya dahil alam naman niyang ang hindi sumunod sa batas ng bahay ay mapapatalsik. Ano yun? Psychological problem?? Naknangteteng talaga.

Di bale, kailangan ko lang pagtiisan ang mga ganung tao sa mundo. Baka tinuturuan lang ako.