Ako ay bumabyahe anim na beses sa isang linggo (Lunes hanggang Sabado), magmula Bulacan papuntang Maynila at vice-versa. Oo, gumagastos ako ng halos isang daan at siyamnapu’t siyam na piso (parang tag ng damit sa mall) para sa pamasahe palang. Ubos na nga ang kita ko sa tax at sa pamasahe eh.
Dahil sa pangyayaring ito sa buhay ko na hindi ko lubos maipaliwanag (OA, sheeet), hindi lang salapi ang inaaksaya ko kundi 3 oras araw-araw. Isa’t kalahating oras papunta at ang kalahati ng tatlo ang pabalik. Napakaboring na tuloy ng buhay ko, patay ang social life, paminsan-minsan nalang nakakapag-Plurk, tuwing Linggo lang nakakapag-bloghop kasi pag-uwi e patay na katawang lupa at ang pinaka-may sense: lumipat na sa Facebook Lite kasi OP na sa mga naglalaro ng Farmville ba yun at Mafia Warts (LOL).
Teka, bigla kong naisip na meron din palang mga amusing na bagay na nangyayari sa araw-araw kong “kalbaryo”. Merong nakakainis at merong nakakatuwa. Mga bagay na matatawag nating “bloggable” o may katuturang isulat (at least para sakin may sense yun). Ayan na, ito ang silbi ng bagong kategorya na ‘to sa blog ko – Ang Byahilo series. Dito niyo mababasa ang mga kwento kong may sense para sakin at sa inyo wala naman. Nakakahilo.
Sa totoo lang sabi ko lang na EP 1 ‘to pero hindi pa talaga ito ang unang kwento. Pero sige na nga, di man interesting pero tumayo ako sa bus nung makalawa ng kulang dalawang oras (di uso ang gentleman sa byaheng Baliwag ahahaha), at warfreak yung kundoktor kaninang umaga. Yun, medyo interesting yun! Kaso hindi ko na-record sa utak ko mga linya niya kasi antok na antok ako kanina.
Sa susunod na EP, may ikkwento ako. *labas ipin*