Ala-ala, magdadalawang buwan ang nakakalipas. Ito ay isang bukas na liham.
Ginang,
Payapa akong nakaupo sa bus paluwas ng Maynila. Maganda ang gising ko. Maaliwalas ang panahon. Gayak na gayak ako, medyo pormal ang pananamit para sa trabaho. Masaya akong nakikinig ng Table for Ten album ng Skabeche. Yep. Ska mode ako, happytuti nga e. Sumakay kayo ng anak mong lalaki, nasa 7 taong gulang ayon sa kalkulasyon ko. Kaparehas na bus na sinasakyan ko. Bakante sa likuran ko, kung saan kayo naupo. Walang problema. Naglagak pa nga kayo ng bag sa lalagyan sa ibabaw ng upuan ko. Wala ring problema. Di naman yun abala sakin. Isa pa, maganda nga ang gising ko e. Samakatuwid, nice-girl-mode ako. Ngingiti ngiti pa ako.
Ngunit naglaho ang mga ngiti ko nung biglang may tumulo sa ulo ko. Weh? May tagas ba sa bus?? Wala namang ulan sa labas ha. Panong tutulo? Di biro ang bumubuhos sa ulo ko. Basambasa ang buhok ko at blouse ko. Lumingon ako sa taas. Dahil ba sa aircon? Hindi. Sa compartment galing. Tumayo ako at sinubukang takpan yun ng kurtina. Bigla kang nagsalita. Sabi mo, “Ay, tumapon pala yung tubig ni ______ (pangalan ng anak mong di ko maalala sa inis ko)”.
Oo, yun lang ang sinabi mo. Di mo man lang ako tinulungan magtali ng kurtina. Di ko man lang narinig na humingi ka ng tawad. Pasalamat ka hindi ako mahilig sa drama, kundi magkakaroon ng eksena.
Ewan ko lang ha. Nakakainit ng ulo ang mga taong katulad mo. Nakakaperwisyo na sa kapwa, wala pa rin pakialam. Sakto ang tumutugtog sa tenga ko, “Good day”. Teka, good day nga ba? Good day pa ba ang pumasok ka sa opisina nang basa ang damit at kunot ang noo? Cool nga e.
Sabado. Wala akong pasok, nasa Bulacan ako. Time check. Ala-una ng hapon. Makikipaglibing ako. Lumabas ako sa gate ng compound namin. Maaliwalas ang panahon. May pailan-ilang tricycle na nakapila sa tapat, nag-aabang ng pasaherong tulad ko. Sumakay ako at sinabing sa “Dulo”. Maya-maya bumuhos ang ulan. Cool. Masaya. Masaya ako sa tunog ng ulan at gusto ko ang pakiramdam na binibigay nun sakin.
Pagbaba ko ng tricycle, medyo may kalakasan pala ang ulan. Ang bilis yatang tumaas ng tubig sa kalsada. May bagyo ba? Hindi kasi ako nanunuod ng TV e. Nagtanong ako, oo may bagyo raw. Ah, cool. E ano naman ngayon? Basta ako pagkatapos ko makipaglibing, magpapa-xray ako kasi masakit lagi likod ko at pagkatapos uuwi na ko at magpapahinga. Stressed ako sa trabaho e, puro na nga ako reklamo sa mga nararamdaman ko sa katawan.
Habang naglalakad, syet ang lakas lalo ng ulan. Ang bilis-bilis tumaas ng tubig. Bakit ganon? Syet. Buti bitin ang pantalon ko kundi paktay na! Tiyak habang naglalaba puro na naman ako reklamo. Waaah, bakit kalahati na agad ng binti ko ang tubig. Ilang buwan lang ba akong di namalagi sa Baliwag? Bakit bahain na ang lugar na kinalakhan ko ngayon?! Unbelievables!! Pagkarating sa simbahan, walang kuryente. Cool. Habang lumuluha ang langit kasabay ng pagluha ng mga tao na nakikipaglibing, sumabay naman ang kawalan ng kuryente. Cool diba? Reklamo na naman.
Pagkatapos ng misa, lakad kami papuntang sementeryo. Nakanang! Wasak payong ko sa lakas ng hangin. Hay, dalawandaang piso rin yung payong ko. Isa pa ang kyut ng kulay nun e. Huhu. At ang matindi run, basang basa ako ng ulan. Bakat na lahat ng taba ko (kung meron man). Cool talaga. Masama pa naman ang pakiramdam ko. At ang pinakamasayang part, hanggang tuhod ko na ang tubig baha! Ano ba naman yan, parang galit na pagmumuka ko sa ulan ha. Ang dami ng lukot, mabilis ‘to makatanda, paki-unat nga.
Dahil sa badtrip na ko sa dati kong mahal na ulan na ngayon ay hindi na, tinamad na akong magpa-xray gaya ng nauna kong plano. Ang tanging comfort lang na nakikita ko ay makauwi ng bahay at mamahinga. Pero mali ang akala ko. Pag-uwi ko, baha sa bahay! Kailan binaha ang bahay namin sa loob ng 20 taon na ipinamuhay ko sa mundo? Hindi kailan man, ngayon lang! Donkchu rain! Go away. Akala ko makakapagpahinga na ko, ang nangyari e naglimas ako ng tubig. Galit na galit ako sa mundo, pagod na pagod ako e, masama pakiramdam ko. Tumanda na ko ng dalawang taon.
Ahh at last may kuryente na bandang alas-nuebe. Nag-internet ako (kasi nga di ako nanunuod ng TV). Ngayon alam ko na ang pangalan ng bagyo. Ondoy pala. Hayop kang Ondoy ka, ang dami mo palang taong pininsala. Ang daming namatay, ang daming nawalan ng ari-arian. Meron pang mga taong biglang sikat dahil sa mga bagay na kahiya-hiya. Naknangtutangyan. Nakakalungkot, nakakahinagpis. Walang wala pala ang mga reklamo ko sa mga dinanas ng ibang tao sa bansa ko. Ako nagrereklamo sa konting baha, yung iba nawalan ng bahay. Ako nagrereklamo sa kaunting pagod na nararamdaman ko, yung mga ibang tao wala ng irereklamo sa pagod dahil tapos na ang kanilang mga buhay.
Naisip ko lang, ang dami-dami ko palang nirereklamo sa araw-araw kong buhay, mga bagay na kulang sakin, mga bagay na hindi naaayon sa gusto kong mangyari. Pero kung tutuusin sa isang iglap lahat pala ng meron ako ay pwedeng mawala. Pati buhay ko, pwede rin pala yun mawala ng di ko inaasahan.
Ikaw, ano pa ba irereklamo mo?
Eto, sounds ka muna. Reklamo ng Reklamo by The Jerks.