Archive for December, 2009

Christmas Wishlist

Friday, December 18th, 2009

Tutal 7 ang paborito kong numero, sebentin ito.

  1. Own flat. Yes, sometimes I wish to live on my own.
  2. Wacom Bamboo Fun. Feeling artist e.
  3. Stable job. Wish ito ng lahat.
  4. New eyeglasses (yung pinakamanipis na lente) at isang pair ng extended contact lenses.
  5. Black watch
  6. Nikon D40 cam bag
  7. Full body pampering (massage, facial, hair treats)
  8. Full length mirror para sa dingding ng kwarto ko
  9. Flash Action Script Short Course
  10. A cork/white board
  11. Study light
  12. Good books
  13. At least 10 hrs of sleep!
  14. Cool mug
  15. Shoe organizers
  16. Payong na matibay
  17. Coat

Merry Christmas everyone!

SELECT Query I

Tuesday, December 8th, 2009

Slow:

SELECT a.main_id, a.source_id, a.docnum, concat(b.imagepath,a.filename) as image, a.location_id, a.valid, b.rider  FROM main a,  source b
WHERE a.main_id IN (SELECT main_id
FROM batch_d1
WHERE batch_id=?lnBatch) and a.source_id=b.source_id

Way Fast:

SELECT a.main_id, a.source_id, a.docnum, concat(b.imagepath,a.filename) as image,
a.location_id, a.valid, b.rider
FROM main a, source b, batch_d1 c
WHERE a.main_id=c.main_id  and a.source_id=b.source_id and c.batch_id=?lnBatch

Friendster Revamp

Sunday, December 6th, 2009

So Friendster has a new layout. Ang kikay infairness. Nice effort about the looks but how about the features? Hmm, kahit magbago pa ng layout yan, kung pwede pa rin maglagay ng glittery images wag nalang. HAHA. Facebook nalang ako and I prefer the Lite version. Wag lang sana pamahayan ng jologs. (evil)

I’m not a fan of just something in. I want fast, practical stuffs.

Physical Wellness

Sunday, December 6th, 2009

Paunang Salita: Kung kilala mo ko sa personal, hindi mo iisiping ako talaga ang magbablog nito. LOL. Girl talk.

Hindi man halata pero medyo conscious ako pagdating sa body grooming. Pero may exception ha, isang beses isang araw lang kasi ako nanunuklay- pagkapaligo lang. Hindi rin ako nag-shashampoo araw-araw kasi naninigas yung buhok ko – once a week lang. Pero kahit ganun, ang kinaadikan kong hair product ay mga mababangong hair treatments. Pampalubag-loob sa buhok kong hindi sinasabon araw-araw. Specifically ay ang Opal na kulay pink na nabibili sa mga Department Stores o sa Watson mismo sa halagang P130. Ambango-bango nun promise at pag yun ang gamit ko lagi akong may compliment kay Chi. Yahuu!

Hindi ako singkinis ng (insert makinis na prutas) at simputi ng singkamas. Pero mahilig ako sa body scrubs na mababango ulit at may whitening chorvah dahil nangangarap din naman akong pumuti pa. Gusto ko rin yung malalagkit at malalamig sa katawan. Ang sarap kaya ng feeling. :) Minsan nga gusto ko full body pamper e. Wala lang panahon.

Naiinis na ako sa buhok ko sa UA gawa ng pag-aahit ko halos araw-araw. Kaya isang linggo ko siyang pinatubo at naisipan kong dalin sa body salon. Ang ipapagawa ko sana ay waxing kaso inirekomenda ng receptionist na subukan ko ang threading. Tiyak masakit pero masakit din naman ang waxing kaya why not give it a try. Sinubukan ko at putek ang sakit nga. HAHA. Hayaan ko na, makinis naman siya ngayon at next time hindi na talaga ako magsshave kundi gagamitin ko na religiously ang cold wax kit na binili ko dati.

Nagpagupit din ako, nagpafull bangs. Gusto ko magpacellophane kasi matagal tagal ko na rin yun hindi nagagawa, magdadalawang taon na kaso nanguripot naman ako. Bumili ako ng bagong sunblock (Myra E) kasi feeling ko hindi ako hiyang dun sa Ponds na binili ko 2 weeks ago. Bumili rin ako nung Garnier na Eye Roll-on na hindi ko maramdaman ang epekto kasi according kay Chi, wala raw akong mapaggastusan ng pera ko. LOL bolol.

May mga panahon talaga sa isang babae na feeling mo panget ka. Bad hair days. Bad skin days. Bad mood days. Bad over-all days. Pero ang mahalaga, sa mga panahon na yun ay bigyan mo ng quality time ang sarili mo. Magself-pamper ka kahit wala kang pera. Magbasa ka ng libro kung yun ang makakapagbigay sayo ng kapahingahan. Matulog ka. Kumain ka. Ipahinga mo utak mo paminsan-minsan.

Wala lang. Ang sarap mabuhay. :)

Bubuwit

Tuesday, December 1st, 2009

Takot ako sa daga.

Oo, papiliin mo na kung ipis o daga – sa ipis nalang ako. Di ko alam kung bakit pero kapag nakakakita ako ng daga, di talaga ako mapakali. Wala naman akong phobia o kung ano man na trauma simula pagkabata pero takot talaga ako.

Minsan isang gabi, nagbrownout sa Philam Homes kung saan ako nagboboard. Nagising ako, hindi dahil mainit kundi dahil sa ingay ng mga bubuwit. Hindi lang yata siya isa kundi sa aking kalkulasyon, tatlo sila na palakadlakad sa gilid ng sofa bed na hinihigaan naming magkapatid. Di ako mapakali kaya kahit pagod na pagod at antok na antok ako, lumabas ako ng kwarto at dun nagpalipas ng oras sa sala.

Dalawang oras lang halos ang itinulog ko.

Mapagtitiyagaan ko ang kasambahay kong pangsbaho ngunit ang mga daga ay hindi. Kaya’t napagdesisyunan namin na bumalik sa dating gawi na uwian araw-araw. Ok, may bad sides pero ang good side ay – buhay ulit ang Byahilo Series. Yay! :)