Archive for January, 2010

Aligaga

Sunday, January 17th, 2010

“Nasa huli ang pagsisisi.”

Sobrang totoo ang kasabihan na yan. Itanong mo pa sa lolo ko.

Hinding-hindi ko malilimutan ng traydurin ako ng Microsoft Visual Source Safe. Pauwi na sana ako, ilalagak ko ang natapos kong update sa isa sa mga ginagawa kong program at tsaka ko gagawing isang executable file upang mapakinabangan na ng mga makikinabang (sana meron). Maayos ang takbo ng lahat, uuwi akong may ngiti sa mga labi – sabi ko sa sarili ko. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, lumitaw ang tila ganitong mensahe sa screen:

There is a document with the same name under the same project. Do you wish to get latest the file from Source Safe? (Hindi sakto, pero malapit)

Aminado akong aligaga ako at atat ng umuwi. Bigla kong napindot ang “YES” button ng walang pagdadalawang isip.

Tsaka ko nalang napagtanto na pinatungan na ng lumang bersyon ang gawa kong bago. Sa madali at nakakabwisit na sabi – NAWALA ANG PINAGHIRAPAN KO!

Leksyon: Wag atat Gean. Sinong tanga ngayon? Wag ka manisi, hindi kasalanan ng VSS ‘yon. Stupid.

Binary

Sunday, January 10th, 2010

Tadaaa! I finally have the guts (and money) to buy a 1-terabyte external hard drive. I’m just so happy, I can’t hide it. LOL. I named him Binary since I bought it today – 011010 – binary numeral system, eh? Geek. So Binary is a My Book Essential Edition from Western Digital. This would be very useful since I have around 3GB left capacity on my HD, I can store a lotsa photos, tons tons of music and series (yay), movies, except.. uhm porn? Yeah, me no likey.

Now, ME = BROKE :D

Binary

This not exactly Binary, but it looks like him :)

OK gotta leave now. Backup mode.

Awesome 2010 Awaits!

Saturday, January 2nd, 2010

Bagong taon, bagong pag-iisip. Simulan ang taon ng tama, wala ng sesyon ng Mamam para sa akin. Maglilinis ako ng katawan, kaluluwa at espiritu. Hehe. Matututo na akong magtipid at mag-ipon, habang bata pa ako at nakakapagtrabaho. Lagi na akong maglilinis ng kwarto (Wish ko lang!). Pag-iisipan ko muna bago ako bumili ng bagong gadget. Less impulsiveness, ika nga. Magiging masaya ako. Palagi. At mamahalin ko ang lahat ng meron ako.

Happy 2010 and Happy 3rd Chi Day!

3rd Chi Day

Oo Bagong Taon nung maging kami. :P