Boarding House

Salungat sa mga nauna kong blog posts na nagsasabing umuuwi ako sa Bulacan anim na beses isang linggo, tuwing Sabado nalang ako umuuwi sa bahay gawa ng pangungupahan namin ng kapatid ko sa isang boarding house sa Philam Homes.

Boarding house. Para sa mga babae.

Pagiging responsable. Paglilinis, pagluluto ng kakainin sa araw, at higit sa lahat, nandyan na rin ang pakikisama.

Isa sa mga napansin ko sa bahay na tinutuluyan ko ay ang mga nakapaskil CR na:

  • “Do not leave the toilet floor wet.”
  • “Pakisarado ang tubig pag nagsasabon, please lang. Thank you.”
  • “Clean our bathroom. Maintain cleanliness.” – Kaakibat ang cleaners of the month.

Pabor ako sa mga batas na yan. Lalong lalo na sa una, dahil sanay ako sa bahay namin sa Bulacan na tuyo lagi ang lapag ng toilet. Pero may isa kaming kasambahay na nakakainis namang tunay. Kung ikaw ay tulad ko na sumusunod sa mga patakaran, aba! Etong isang ‘to na pagkakapal-kapal ng mukha e binaha ang CR kagabi. Lubog na lubog ang mga basahan at tila nasira niya yung flush. Hanggang kanina basa pa rin yung sahig, hindi natuyo overnight. Naknangteteng na yan. Nakakabwisit. Kababaeng tao ang baboy.

Eto pa matindi. Ang mga sumusunod ang nakapaskil naman sa kusina:

  • “Panatilihing malinis ang ating kitchen.”
  • “Cans and bottles only” – Basurahan para sa obyus.
  • “Huwag mag-iwan ng hugasin sa sink.”
  • “Bawal maglaba o magtoothbrush dito sa sink. For kitchen use only”

Iisang babae na nagpalawa ng tubig sa CR. Araw-araw nagsisipilyo sa kitchen sink. Lintek pala. Di ata marunong magbasa. Nakakawalang gana tuloy mag-urong dun. Marami pa siyang kababuyan, ayoko lang ikwento dahil medyo girl-talk na.

Naisip ko lang, may mga tao ba talagang di marunong umintindi? Hindi naman siguro siya nananadya dahil alam naman niyang ang hindi sumunod sa batas ng bahay ay mapapatalsik. Ano yun? Psychological problem?? Naknangteteng talaga.

Di bale, kailangan ko lang pagtiisan ang mga ganung tao sa mundo. Baka tinuturuan lang ako.

5 Responses to “Boarding House”

  1. April says:

    haha ayos pala un eh nu.. bumukod na kaung mgkapatid.. :D

    Wel, Konting tiis lang gnyan tlga cguro di lang xa tlga
    marunong makisama o kaya nmn nananadya lang siyang tunay.. kahit mga bata na marunong ng bumasa maiintindihan ung mga nkapaskil na un eh
    pambihira naman palang tlga..

  2. Shy says:

    hahaha.aus yun ah lhat me btas. mgi2ng responsable k tlaga. kso nga lng kng me isng hndi sumusunod nka2inis nga tlgang 2nay..intndhin bka nga me psychological disorder hehehe..

  3. bebs says:

    naku ganyan talaga ang buhay boarding house…me mas malala ka pang ma encounter diyan..ingat lang sa magnanakaw at manggagantso..uso yan sa boarding house.always keep your room close. wag magtiwala basta basta..ingat kau ni gela..God Bless!

  4. Ems says:

    Hmmm either psych prob nga lang or talagang ganun sya. Kaya ayaw ko mag boarding house eh, hindi rin ako masinop sa bahay. Hehehe..

  5. [...] ko ang kasambahay kong pangsbaho ngunit ang mga daga ay hindi. Kaya’t napagdesisyunan namin na bumalik sa dating gawi na uwian [...]

Leave a Reply