Takot ako sa daga.
Oo, papiliin mo na kung ipis o daga – sa ipis nalang ako. Di ko alam kung bakit pero kapag nakakakita ako ng daga, di talaga ako mapakali. Wala naman akong phobia o kung ano man na trauma simula pagkabata pero takot talaga ako.
Minsan isang gabi, nagbrownout sa Philam Homes kung saan ako nagboboard. Nagising ako, hindi dahil mainit kundi dahil sa ingay ng mga bubuwit. Hindi lang yata siya isa kundi sa aking kalkulasyon, tatlo sila na palakadlakad sa gilid ng sofa bed na hinihigaan naming magkapatid. Di ako mapakali kaya kahit pagod na pagod at antok na antok ako, lumabas ako ng kwarto at dun nagpalipas ng oras sa sala.
Dalawang oras lang halos ang itinulog ko.
Mapagtitiyagaan ko ang kasambahay kong pangsbaho ngunit ang mga daga ay hindi. Kaya’t napagdesisyunan namin na bumalik sa dating gawi na uwian araw-araw. Ok, may bad sides pero ang good side ay – buhay ulit ang Byahilo Series. Yay!
ehhh???? mas takot ka sa DAGA???? hindi sa IPIS??? ako sa Ipis *geehh… goosebumps* Ayoko Ipis… grabe ang takot ko sa ipis @.@