Paunang Salita: Kung kilala mo ko sa personal, hindi mo iisiping ako talaga ang magbablog nito. LOL. Girl talk.
Hindi man halata pero medyo conscious ako pagdating sa body grooming. Pero may exception ha, isang beses isang araw lang kasi ako nanunuklay- pagkapaligo lang. Hindi rin ako nag-shashampoo araw-araw kasi naninigas yung buhok ko – once a week lang. Pero kahit ganun, ang kinaadikan kong hair product ay mga mababangong hair treatments. Pampalubag-loob sa buhok kong hindi sinasabon araw-araw. Specifically ay ang Opal na kulay pink na nabibili sa mga Department Stores o sa Watson mismo sa halagang P130. Ambango-bango nun promise at pag yun ang gamit ko lagi akong may compliment kay Chi. Yahuu!
Hindi ako singkinis ng (insert makinis na prutas) at simputi ng singkamas. Pero mahilig ako sa body scrubs na mababango ulit at may whitening chorvah dahil nangangarap din naman akong pumuti pa. Gusto ko rin yung malalagkit at malalamig sa katawan. Ang sarap kaya ng feeling.
Minsan nga gusto ko full body pamper e. Wala lang panahon.
Naiinis na ako sa buhok ko sa UA gawa ng pag-aahit ko halos araw-araw. Kaya isang linggo ko siyang pinatubo at naisipan kong dalin sa body salon. Ang ipapagawa ko sana ay waxing kaso inirekomenda ng receptionist na subukan ko ang threading. Tiyak masakit pero masakit din naman ang waxing kaya why not give it a try. Sinubukan ko at putek ang sakit nga. HAHA. Hayaan ko na, makinis naman siya ngayon at next time hindi na talaga ako magsshave kundi gagamitin ko na religiously ang cold wax kit na binili ko dati.
Nagpagupit din ako, nagpafull bangs. Gusto ko magpacellophane kasi matagal tagal ko na rin yun hindi nagagawa, magdadalawang taon na kaso nanguripot naman ako. Bumili ako ng bagong sunblock (Myra E) kasi feeling ko hindi ako hiyang dun sa Ponds na binili ko 2 weeks ago. Bumili rin ako nung Garnier na Eye Roll-on na hindi ko maramdaman ang epekto kasi according kay Chi, wala raw akong mapaggastusan ng pera ko. LOL bolol.
May mga panahon talaga sa isang babae na feeling mo panget ka. Bad hair days. Bad skin days. Bad mood days. Bad over-all days. Pero ang mahalaga, sa mga panahon na yun ay bigyan mo ng quality time ang sarili mo. Magself-pamper ka kahit wala kang pera. Magbasa ka ng libro kung yun ang makakapagbigay sayo ng kapahingahan. Matulog ka. Kumain ka. Ipahinga mo utak mo paminsan-minsan.
Wala lang. Ang sarap mabuhay.
hi gean, dapat mgsashampoo ka padin kc diba pag conditioner lang parang ang lagkit sa buhok. hehe..
@Jobelle: Ayaw. Ang dry kapag nagsshampoo. Di naman ako nanlalagkit e. Siguro kung tigyawatin ako I would shampoo my hair everyday. So far ok naman. And binawalan din kasi ako nung nagrerebond sakin dati.
sabagay, bawal nga pala palaging nagsa-shampoo pag my treatment un hair.. hehe.
ui panu ba umorder dun sa strip it? hehe.. i wanna try lang.. hehe tnx