Aligaga

“Nasa huli ang pagsisisi.”

Sobrang totoo ang kasabihan na yan. Itanong mo pa sa lolo ko.

Hinding-hindi ko malilimutan ng traydurin ako ng Microsoft Visual Source Safe. Pauwi na sana ako, ilalagak ko ang natapos kong update sa isa sa mga ginagawa kong program at tsaka ko gagawing isang executable file upang mapakinabangan na ng mga makikinabang (sana meron). Maayos ang takbo ng lahat, uuwi akong may ngiti sa mga labi – sabi ko sa sarili ko. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, lumitaw ang tila ganitong mensahe sa screen:

There is a document with the same name under the same project. Do you wish to get latest the file from Source Safe? (Hindi sakto, pero malapit)

Aminado akong aligaga ako at atat ng umuwi. Bigla kong napindot ang “YES” button ng walang pagdadalawang isip.

Tsaka ko nalang napagtanto na pinatungan na ng lumang bersyon ang gawa kong bago. Sa madali at nakakabwisit na sabi – NAWALA ANG PINAGHIRAPAN KO!

Leksyon: Wag atat Gean. Sinong tanga ngayon? Wag ka manisi, hindi kasalanan ng VSS ‘yon. Stupid.

Leave a Reply