Aaminin ko – dati wala akong pakialam sa gobyerno. Wala akong pakialam kung sino ang namumuno. Masarap ang buhay ko e. Mabuti ang mga magulang ko. Hindi ko dama ang kahirapan na mabuhay dito. Oo nakakainis ako. Kahit ako naiinis sa sarili ko. Di ko alintana ang paghihirap ng ibang mga tao. Wala akong pakialam sa mga nababasa sa dyaryo at napapanuod sa telebisyon. Pakiramdam ko lahat yun ay kwentong barbero.
Nagbago ang lahat ng magsimula akong kumayod para sa sarili ko. Ang laking pera ang napupunta sa tax ko. Pinaghihirapan ko ang lahat na yun pero di ko alam kung saan patungo. Sabi nila sa bulsa marahil ng mga nagdadamit disente pero ang totoo ay mga baboy. Nabuksan ang mga mata ko sa totoong mundo. Napanuod ko ang sari-saring kahayupan ng mga tao. Walang awang pagpatay sa kapwa. Marahas. Madugo. Madumi. Maduming madumi. Makasalanan ang budhi.
Marami ng panahon ang lumipas. Dalawampung taon simula ng isilang ako. Tila walang pagbabago. Parami ng parami ang nagrereklamo. Bulok kasi ang sistema sa bayan ko. Bulok ang mga pinuno, palala ng palala ang sitwasyon. Kapag bulok ang pinuno maraming bulok na bunga rin ang dulot nito.
Mag-eeleksyon na. Boboto ako dahil may karapatan ako. Walang pag-aalinlangan kong idedeklara na ang iboboto ko ay si Bro. Eddie Villanueva. Own preference. Own decision na paninindigan ko. Di ko ibebenta ang boto ko kung kani-kanino para sa kakarampot na halaga na pagdudusahan ko sa mahabang panahon. Ayoko ng lesser evil. Ang gusto kong pinuno ay righteous. Yung tipong makakapagpabago ng mindset ng mga Pilipino, hindi sa sarili niyang kakayahan kundi sa kakayahan na pinagkakaloob ng Diyos.
Politicians – people who care for the nation and for the welfare of the people. Nag-aalala ako para sa bayan ko. Sa makatuwid isa akong politiko? Hehe. Ikaw rin ba? Di ko hahayaan na ipaubaya ko ang kinabukasan ko at ng pamilya ko balang araw sa mga baboy na nagpapanggap na politiko.
Good for you at alam mo na kung sino iboboto mo. Ako kasi hindi ko pa rin alam. Ang mom ko ang iboboto daw nya si Manny. Syempre ako… hindi ko sya iboboto kasi gusto ko kontrahin Mom ko *LOL* Pero naisip ko din kasi sya na ang may pinakamadaming gastos sa pangangampanya malamang e babawiin nya rin yun nagastos nya kaya hindi sya ang iboboto ko. Basta hindi ko pa rin alam kung sino… Pero I’m leaning towards the “transformers” hihi! Siguro kasi sa kanila ko nakita yun may nagawa sila while they we’re in office. The rest of the candidates, wala e. Pero isipin ko pa rin ng mabuti syempre
Still deciding
Happy Valentines day
Ala nang book, pero yung next chapter March marerelease siya