Ang lansa naman ng pamagat. Nyahaha.
Ang sungit mo naman po, para nagtatanong lang e. Siguro may menstruation ka ngayon. Ganun daw kasi ang mga babae.
TXT Message for the day – mula sa isang nagpakilalang Paul matapos akong tawagan sa aking SUN telepono at akin namang binabaan dahil naiirita ako.
G: Hello, sino ‘to?
P: Sa Manila ba ‘to?
G: Sino ka ba? Sino hinahanap mo?
P: (pause) Si Jet. (sinong Jet? pakingshet) Sa Manila ba ‘to?
G: Di ko kilala yung Jet na tinutukoy mo. Sorry wrong number.
P: Ano name mo? Sa Manila ba ‘to?
G: Oo sa Manila. (ano masaya ka na?) Sorry wrong number. (sabay baba ng telepono)
Eto ang facts kung nais mong malaman:
- Mali ka na may regla ako dahil kakatapos lang.
- Mali ka sa sinasabi mong sinungitan kita. Pasalamat ka nasa mood akong sagutin ang tawag mo at di kita sinagot ng walang kwenta.
- Pasalamat ka sinabi kong sa Manila ang kasalukuyang lugar na kinatatayuan ko noong mga panahon na tinawagan mo ko.
- Gumagala ang utak ko. Ang nasa isip ko ay isa kang bihasang magnanakaw/stalker/holdaper/kidnapper/assassin/ninja na techie na magsesend ng lahat ng detalye tungkol sakin matapos akong kausapin ng isang minuto at isang segundo.
- Sa isang parte ng utak ko, naisip ko rin na baka kakilala kita at napagtripan mo lang ako. Wag kang mag-alala, nakalimutan ko na numero mo at binura ko na rin. Wala kasing kwenta pinagtatatanong mo.
At dahil diyan, deserve mo rin ang isang walang kwentang blogpost na may malansang pamagat. Enjoy.