Medyo ganito ang itsura ng bubungad sa’yo pag pinakialaman mo ang makina ko rito sa opisina. Windows XP OS, gamit ang Classic theme at Quick Launch toolbar na nagsisilbing “dock” sa tuktok. Makikita sa “dock” ang mga sumusunod na applications: (L-R)
- Adobe Photoshop CS2
- Altova UModel
- Chikka Messenger
- Edit Plus
- Internet Explorer
- Microsoft Outlook 2003
- Macromedia Dreamweaver 8
- Microsoft Excel 2003
- Microsoft Word 2003
- Microsoft Visual Basic 6.0
- Microsoft Visual FoxPro 9
- Microsoft Visual Source Safe
- Mozilla Firefox
- MySQL Workbench 5.1 OSS
- Navicat MySQL
- NotePad
- Paint
- Generic Launcher (this launches our in-house utilities)
- Show Desktop Icon
- Windows Media Player
- WinSCP
- Yahoo Messenger
Di ko na maalala kung saan ko nakuha ang wallpaper. At kung mapapansin niyo, may binabasa akong Tumblog na “Clients From Hell” ang pamagat. Aliw e. Medyo petiks ako today kaya Navicat lang at isang Firefox Window ang nakabukas. Yun din ang dahilan kung bakit ako nagsusulat dito sa blog ko ngayon.
Sa susunod, kapag may pagkakataon, ang makina ko naman sa bahay ang ipapamahagi ko.
PS. Nais ko nga palang ipamahagi ang blog ni Popoy Lakwatsero, isang fictional character sa panulat ni Chi (boyf). Walang fancy sa blog niya katulad ng blog ko, pero may common pa sa amin, medyo parehas kami ng word-usage at klase ng pagsusulat. Dahil sa nasimulan ko na ang pagpaplug, eto pa: Quakerz at Alkab Group Blogs. Happy reading!


